Linggo, Pebrero 12, 2017

LUTANG NA NAMAN SI ACOE

Ano ba yaaaaan. Dalawang linggo na akong tinatamad, lutang, at hindi productive ang bawat araw :( Kinokondisyon ko ang sarili kong magsipag at maging subsob ulit sa gawain, kagaya nitong January na tuloy-tuloy ko talagang binombard ang sarili ko ng mga skedyul. Haaaay. Ano na naman ang nangyayari sa akin?

Nag-hibernate mode ako ng isa't kalahating araw, iniisip ko baka makabwelo ako ulit. Sana bukas paggising ko ay okay na. Ano nga ba ang problema? Sinasalakay ako ng iba't ibang mga alaala.

Marahil, ay hindi mo naman ito mababasa. Pero sana isang araw, maligaw ka rito sa blog ko, kung saan ko binubuhos ang mga ka-petihan ko. Kung saan ko sinusulat ang mga damdamin na ikaw ang isa sa mga naging dahilan.

I am afraid of failed relationships. It's been half a year since I was left alone in the middle of nowhere, patiently waiting for you to text or call me, painstakingly wondering when will we meet again, to kiss again, and to hug each other again. Kung babalikan kong muli ang nakalipas, ang buwang ng Setyembre na nagparamdam sa akin ng labis-labis na sakit, labis-labis na takot, labis-labis na pagkalumo, ayoko nang muli sanang maranasan iyon.

Magsusulat ako ng buong blog tungkol doon, pero tinatamad pa akong maramdaman ulit ang lahat. Hehe nekstaym nalang.

---

On the other note, dinalaw ko ang blog ni ano. bwahaha. Masaya ako't masaya na siya. Buti pa siya. grabi rin naman ang ginawa ko sa kanya noon kaya he deserved to be happy. Sana nga minsan magkita ang landas natin. Tumaba ka talaga yata. Haaaay. Kamusta na?

---

Para sa crush kong 28 years old (or 29?) na legit kong hinahangaan dahil magaling siyang tumula at gumawa ng pelikula pero ang tingin sa aking ay petibi pa rin na hindi pa nagma-mature huhuhu,

Nitong mga nakaraang araw, ewan ko ba at lagi kita naiisip (hindi iniisip, sumasagi ka talaga bigla sa aking ulirat), naiisip ko kung paano kaya kung tayo bwahahahaha! Pero seryoso, ayaw ko na ng mga palipas oras na relasyon, kung ako ang tatanungin na gusto ko na magsettle sa isang tao, ikaw iyon :)

Ikaw ang nakikita kong pwede kong maging sandalan para magpatuloy sa landas na ating tinatahak, sa mapangahas na mga larangan kung nasaan tayo ngayon. Napakalaki mong kondisyon para sa akin. At sana kahit ako, ay may maitulong din sayo.

Haixt. Kaso alam ko namang hindi mo ako bet, at iba ang proference na gusto mo. Pero ewan ko ba at ang masculine talaga ng dating mo sa akin. Huhu.

Ini-stalk nga pala kita sa mga blog at FB mo. haha. Grabe. Natutuwa akong magbasa sa mga sinulat mo, ten years ago. Lol. Accept mo na friend request ko huhuhuhu :(

Lutang na naman si Acooooeeeee. Sana makita kitaaaaaa. Misyuuuu. Chareng! HAHAHA.

The end!