Martes, Nobyembre 1, 2016

Pangalawang araw ng Nobyembre

Wala akong gana. Tinatamad ako. Pero dahil may wifi dito sa bahay, at ayaw ko masyado mag-facebook dahil mabobombard na naman ako ng mga tanong, chat, comments, etc...

Naisipan kong i-search ang pangalan mo sa google.

Antaray. Tawa ako ng tawa sa mga links na nabubuksan ko. Nahanap ko ang pangalan mo sa youtube. Pinanood ko ang mga ni-upload mong videos. Nakita ko rin na nakasama ang pangalan mo sa listahan ng isang anthology, kaso hindi ko makita ng buo yung tula mo, di yata naka-post online.

Higit sa lahat, nakita ko ang blog mo. Hahahahaha. Ewan ko ba at tuwang tuwa ako. Binasa ko ang mga posts mo, napaka-baliw mo. At jusko po, ang mga posts mong tungkol sa mga araw-araw na kaganapan mo sa buhay ay exactly 12 years before. Shet. Ang tagal na. Matanda ka na ngang tunay.



Ang stalker ko diba? Charoz. Wala lang talaga akong magawa at naisipin kong mag-surf-surf sa internet hahahaha. At buti nalang nahalungkat ko ang blog mo, it reminds me na onga pala, di ko na nabuksan yung wordpress ko dahil nalimot ko na ata password. Kaya heto, ginawa ko ang blog na ito.

Dahil actually, I need this. Di ko naman kasi keri ang diary na sinusulat, dahil baka mawala pa ang notebook, at tinatamad ako magsulat lalo na pag basa yung kamay ko dahil napapasma.

Sa mga araw-araw kong damdamin o thought bubble, dito ko nalang din ibubuhos lahat ng mga gusto kong ibuhos. Anong kay gaan sa pakiramdam ang pagsususlat. Diba?

Malay mo rin, 12 years from now. Mabasa mo rin ito. O 12 years from now, mabasa rin ito ng isang taong lihim na nagmamahal sa akin :)

Hehe corny at iskeri diba? Mwachups.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento