I.
THOUGHT
BUBBLE
Marahil,
may panahong minahal mo akong tunay.
Ngunit
mas marami ang mga panahong hindi na.
Marahil,
may panahong ako lang ang iyong iniibig.
Ngunit
mas marami ang panahong iba na ang iyong mahal.
Marahil,
may mga panahong nag-aalala ka sakin.
Ngunit
mas marami ang panahong iba na ang iniisip, kinasasabikan.
Marahil,
may mga panahong totoo ang bawat sandali.
Ngunit
mas marami ang panahong,
II.
LETTER
Marahil ay nabasa mo na ang aking liham.
Ano kaya ang naramdaman mo,
habang ito’y binabasa
– ang bawat
salita, hanggang sa pinakahuli nitong
pangungusap?
Sa pagitan kaya ng bawat saknong,
ay may bumulwak na bahid ng kalungkutan?
Sa katapusan kaya ng bawat tuldok,
ay mababatid ang pananabik at panghihinayang?
Sa bawat tandang pananong,
ay nasilip mo kaya ang libu-libo kong
mga nais sabihin at nais mapakinggan – mula sa
iyo?
O sa pagtuklip mo ng mumunting papel,
ay wala kayang dumaplis na kahit
anumang pakiramdam
– na para bang
walang nabasa,
walang nangyari,
walang naalala at inalala,
walang kahit anumang bakas ng pag-iral,
ng nakaraan?
III.
CLOUDY
THOUGHTS
Hindi
ko magawang magalit.
Dahil
marahil, mas nangingibabaw
ang
lungkot.
Hindi
ko magawang sisihin ka.
Dahil
mas nadidismaya ako,
sa
aking sarili.
Hindi
ko magawang agad lumimot.
Pagkat
ang mga lumipas ang bumubuo,
ng
isang bahagi ng aking pagkatao.
Hindi
ko magawang –
sumulong.
Dahil
napakabigat ng dala-dala kong bagahe.
Matiyaga
ko itong binibitbit,
saan
man mapadpad, magpalit man
ng
buwan ang mga kalendaryo.
Napakamali
ng ganitong
pakiramdam
– ang mag-isip ng mga
sana,
marahil,
siguro,
at iba pang mga
pagbabakasakali.
IV.
FOE
Pagkat
minsan,
sasalakayin
ka
ng
iba’t ibang uri
ng
mga pakiramdam.
Kukubkukin
ka ng di malimut-limot na
kalungkutan,
pangamba,
panghihinayang,
pananabik.
Ano’t
lagi nating pinapatuloy
sa
sariling kampo, itong mga
kaaway.
Na
walang ibang dinulot kundi ang;
kunin
ang tapang na iyong armas,
sunugin
ang katatagan na iyong tahanan,
gawing
bihag ang iyong mahinang-mahina na
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento