Linggo, Pebrero 12, 2017

LUTANG NA NAMAN SI ACOE

Ano ba yaaaaan. Dalawang linggo na akong tinatamad, lutang, at hindi productive ang bawat araw :( Kinokondisyon ko ang sarili kong magsipag at maging subsob ulit sa gawain, kagaya nitong January na tuloy-tuloy ko talagang binombard ang sarili ko ng mga skedyul. Haaaay. Ano na naman ang nangyayari sa akin?

Nag-hibernate mode ako ng isa't kalahating araw, iniisip ko baka makabwelo ako ulit. Sana bukas paggising ko ay okay na. Ano nga ba ang problema? Sinasalakay ako ng iba't ibang mga alaala.

Marahil, ay hindi mo naman ito mababasa. Pero sana isang araw, maligaw ka rito sa blog ko, kung saan ko binubuhos ang mga ka-petihan ko. Kung saan ko sinusulat ang mga damdamin na ikaw ang isa sa mga naging dahilan.

I am afraid of failed relationships. It's been half a year since I was left alone in the middle of nowhere, patiently waiting for you to text or call me, painstakingly wondering when will we meet again, to kiss again, and to hug each other again. Kung babalikan kong muli ang nakalipas, ang buwang ng Setyembre na nagparamdam sa akin ng labis-labis na sakit, labis-labis na takot, labis-labis na pagkalumo, ayoko nang muli sanang maranasan iyon.

Magsusulat ako ng buong blog tungkol doon, pero tinatamad pa akong maramdaman ulit ang lahat. Hehe nekstaym nalang.

---

On the other note, dinalaw ko ang blog ni ano. bwahaha. Masaya ako't masaya na siya. Buti pa siya. grabi rin naman ang ginawa ko sa kanya noon kaya he deserved to be happy. Sana nga minsan magkita ang landas natin. Tumaba ka talaga yata. Haaaay. Kamusta na?

---

Para sa crush kong 28 years old (or 29?) na legit kong hinahangaan dahil magaling siyang tumula at gumawa ng pelikula pero ang tingin sa aking ay petibi pa rin na hindi pa nagma-mature huhuhu,

Nitong mga nakaraang araw, ewan ko ba at lagi kita naiisip (hindi iniisip, sumasagi ka talaga bigla sa aking ulirat), naiisip ko kung paano kaya kung tayo bwahahahaha! Pero seryoso, ayaw ko na ng mga palipas oras na relasyon, kung ako ang tatanungin na gusto ko na magsettle sa isang tao, ikaw iyon :)

Ikaw ang nakikita kong pwede kong maging sandalan para magpatuloy sa landas na ating tinatahak, sa mapangahas na mga larangan kung nasaan tayo ngayon. Napakalaki mong kondisyon para sa akin. At sana kahit ako, ay may maitulong din sayo.

Haixt. Kaso alam ko namang hindi mo ako bet, at iba ang proference na gusto mo. Pero ewan ko ba at ang masculine talaga ng dating mo sa akin. Huhu.

Ini-stalk nga pala kita sa mga blog at FB mo. haha. Grabe. Natutuwa akong magbasa sa mga sinulat mo, ten years ago. Lol. Accept mo na friend request ko huhuhuhu :(

Lutang na naman si Acooooeeeee. Sana makita kitaaaaaa. Misyuuuu. Chareng! HAHAHA.

The end!

Miyerkules, Disyembre 7, 2016

BULABOG

Tahimik na ang gabi. Pero nabulabog ako sa isang tawag. Mas nabulabog sa nabasa kong text at balita.

Pwede bang fast-track, move on, fast forward na tayo? Ayan na naman tayo sa muling pagre'recall ng mga pangyayari. Sa pag-throwback ng lahat ng mga sakit na napaka-struggle na ngang kalimutan.

Pwede bang tahimik ka nalang maglaho? Huwag ka nang bumalik. Huwag ka nang magparamdam at maramdaman. Pwede bang tanggalin mo nalang lahat ng bakas na merong umiral na noon at ikaw?

Nakaka-sira ng gabi.

Biyernes, Disyembre 2, 2016

HINGA

Nalulunod na ako sa napakaraming mga pagbabakasakali.

Nalulunod na ako sa labis-labis na galit.

Nalulunod na ako sa libo-libong mga tanong at panghihinayang.

Nalulunod na ako sa mga salita, napakaraming mga salita, na hindi maisabi, hindi mabanggit, mga salitang hindi makawala.

Hindi totoong madaling lumimot. Magaling lang tayong magtago, maging sa ating mga sarili.

Kailan ito matatapos?

Linggo, Nobyembre 13, 2016

SILENCE THAT KILLS

Dahil, alam mo ba, na ang pinakamasakit na pagpapaliwanag ay katahimikan.

 May mga pagkakataong gusto kong makatanggap ng mga paliwanag, gusto kong malunod sa mga salita, gusto kong mapakinggan ang katotohanan.

Pero mas marami ang panahong ayaw ko na. Na hindi ko na kailangan ng usap-usap pa. Na hayaan nalang ang panahon na tumulong sa paghilom at paglimot, kahit napakahirap.

Gusto kong maghiganti, sa lahat-lahat ng sakit at problema na dinulot niya. Alam kong wala siya sa pamantayan. Hindi katanggap-tanggap ang ginawa niya. Wala man lang kahit anong salita, kahit pagsambit ng "patawad."

Simula ngayon, aantayin ko nalang ang panahon na makakabawi ako, makakapaghiganti. At sisiguraduhin kong ang higanti ko'y ang makita niyang masaya na ako sa iba at ipadama sa kanyang hindi siya malaking kawalan.

Yes. Ang bitter ko. Ang harsh ko. Because pain was also excruciating. At ayaw ko na ulit maulit ang mga panahon na iyon, ang mga araw na awang-awa ako sa sarili ko.

Salamat nalang sa karanasan.

Huwebes, Nobyembre 10, 2016

KUNG ALAM MO LANG

Alam kong pagod tayong dalawa.

Pagod ka diyan sa kanayunan.
Pagod naman ako dito sa kalunsuran.

Pero magtatagpo tayo sa susunod na araw. At sana, ma'realize mong totoo ang mga textssss ko. Yes maraming sssss dahil kadaming beses ko na nagtext sayo at napakadalang mong mag-reply. Kung magrereply ka naman ay napaka-showbiz ng bawat salita.

Haixt. Kung alam mo lang. Hope you would treat me well. Echoz. #Umaasa

Lunes, Nobyembre 7, 2016

Kung Paano ko Isalansan ang Aking mga Pakiramdam

(Naisalba sa lumang blog sa mayobenteuno.wordpress.com)

JUNE 2015
Isa-isang ikukulong
ang lahat ng uri ng pakiramdam
sa pinakadulong bahagi ng isipan.

Hindi dapat makawala ang lungkot,
panghihinayang, pangamba,
pagsisisi, pighati,
galit, at poot.
Mapangabib na makalaya sila
lalo na’t makarating sa puso – pagkat
dito namumuo ang pinakamalakas
at pinakamapanirang mga bagyo.
Magsisilbing matibay na tarangkahan
ang pilit na paglimot,
o huwag na munang pag-alala
hanggat maaari,
Pagkat pag lahat sila’y kumawala,
nakalaya’t nakalipad mula sa isip,
puso, hanggang makarating sa kaluluwa.
Isa nang sakuna ang hudyat ng mga luha.

Nikotina ay Damdamin


I. NIKOTINA Madalas tayong naglalakbay, sa sarili nating mga damdamin: Habang mag-isang binabagtas ang malungkot na siyudad sa isang matamlay na gabi.