Huwebes, Abril 16, 2020

#StandWithThePoor

Pinipili natin silang makita sa mga sitwasyong may kaguluhan.
Nagagalit tayo tuwing laman na naman sila ng balita – nagpoprotesta sa gobyerno para humingi ng pagkain at ayuda.
Naiinis tayo kapag narinig nating nag-occupy sila ng mga lupa at pabahay. O di kaya’y kapag nanawagan sila sa mga isyu kagaya ng pagkakabit ng tubig at kuryente, pagkakaroon ng abot-kaya at pangmasang pabahay, pagpapatigil sa demolisyon, paglaban sa kontraktwalisasyon at marami pang iba.
Paparatangan natin silang mahirap dahil tamad sila. Walang disiplina sa sarili, bastos, o walang pinag-aralan. Ito ang selective perception natin sa kanila.
But let me tell you other things way too far from those scenes you deemed as chaotic.
Organizations such as KADAMAY taught the urban poor the importance of being organized. Sa pagiging bahagi nito, natututunan ng mga maralita ang kanilang batayang karapatan. They are clothed with wisdom. They are armed with an altruistic principle.
At dahil dito, unti-unti, sinisikap ng mga maralitang ayusin ang kanilang munting komunidad – mula sa kalinisan, pagtatayo ng daycare, pagtatayo ng mga kooperatiba o pag-umpisa ng kabuhayan/trabaho sa lugar, at paglulunsad ng mga aktibidad na ilalayo ang mga kabataan sa masasamang bisyo o karahasan.
Even with limited resources, they strive to help each other. Nagbabayanihan, nagtutulungan. Kung sino man sa komunidad ang may kagyat na pangangailangan o problema, hahanap at hahanap ng paraan ang buong komunidad para matugunan ito.
Frankly, in the urban poor communities, I have seen the most genuine kind of bayanihan.
Sa ilang pagkakataon din, ang ganitong klaseng kamalayan at praktika sa organisasyon ay nagpapabago ng mga indibidwal, maging ang mga itinuturing na pinakamasama o pinaka-sakit sa ulo sa komunidad.
Namumulat ang mga maralitang taga-lungsod na may kahirapan hindi dahil tamad sila. In the first place, walang pribeliheyo ng oras upang maging tamad ang maralita. Kung hindi sila kumayod, walang makakain ang buong pamilya sa isang araw. Magugutom.
Nasaksihan ko iyan sa mga maralita ng Plastikan sa Payatas, naglalaba ng plastik sa gitna ng masangsang na amoy ng sapa para kumita sa isang araw. Patunay rin ang karanasan ng mga nangangalahig na magsasaka sa Rizal na sa panahong hindi pa sila makapag-ani, mamamasura muna sa dump site sa kabilang bahagi ng bundok malapit sa kanilang tirahan.
Dahil ang kahirapan ay kawalan ng akses at oportunidad sa sosyo-ekonomikong pag-unlad: hindi makapag-aral, ang maaaring pasukang trabaho'y mababa lang ang sahod, walang suporta mula sa gubyerno, mailap ang serbisyong panlipunan.
Piliin din sana nating makita ang ganitong konteksto sa kanilang danas.
Let us descend from our ivory tower and veer away from the pedestal called privilege. Mapagkumbaba nating tingnan, aralin, at lumahok sa kanilang pakikibaka bilang maralita.
(Larawan mula kay: Res Cruz Flores)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento