Miyerkules, Setyembre 1, 2021

Unang Koleksyon

Narito ang google drive link ng una kong koleksyon na bunga ng kaburyungan noong lockdown (December 2020):

https://drive.google.com/file/d/1ntWQKtsrLPVTTqPH98KxUxaB57n8HD5q/view?usp=drivesdk

(Marami pa itong hibo ng kaburgisan. Mga lumang akda ang kalakhan.)


Miyerkules, Oktubre 28, 2020

Little by little

In difficult times, you have to move forward in small steps.

Do what you must do, but little by little.

If you forget me, I will also forget you - little by little.

Huwebes, Abril 16, 2020

Brief History of Mass Movement in Central Luzon


Let me tell you a story about our forebearers who fought great battles of their generation.
In Central Luzon, there was a glorious history of mass movements during the 1970s and 1980s that dismantled the US military bases, stopped Nuclear Power Plant in Bataan, and caused the downfall of a dictator.

Days were disquiet through the 1970s because of Martial Law. The world was then suffering from economic stagflation. At panahon din ito ng paglakas ng daluyong ng mamamayan para labanan ang kahirapan at pasismo ng rehimen ni Marcos.
Around 1982, intensifying imperialist aggression in the Philippines prompted several patriotic intellectuals and personalities from Angeles City to spearhead various anti-imperialist discussions and social gatherings. These brave initiatives, later on, yielded to the formation of Concerned Citizens of Pampanga (CCP) having Atty. Jose “Tata Sensing” Suarez as the Chairman.
Mula dito, mabilis na naitayo ang iba’t ibang chapters ng CCP sa rehiyon. Kabahagi lalo na ang mga batayang sektor. This was also the time where big names from the middle class and prominent families became deeply rooted and engaged in societal issues.
When Ninoy Aquino was assassinated in 1983, umalingawngaw sa kalsada sa buong bansa ang panawagang “Justice for Aquino! Justice for All!” (kilala din ito bilang JaJa). And the people from Central Luzon heeded to this campaign and staged the first-ever regional mobilization that year attended by 5,000-strong individuals.
In 1984, an upsurge in protests was still happening around the region. So to consolidate and strengthen the people's dissent against imperialism and Marcos fascism, Fr. Tito Paez and Gil Lim initiated the establishment of Damdamin ng Bayang Nagkakaisa (DAMBANA). Naging epektibo at malakas na instrumento ito ng mga mamamayan para labanan ang presensya ng US military bases at ang tangkang pagbubukas ng Nuclear Power Plant sa Bataan.
Malawak ang mamamayang lumalahok sa mga pakikibaka ito. Kaya naman, naging batayan ito para itayo ang Bagong Alyansang Makabayan - Gitnang Luson noong July 20, 1985 kung saan ginanap ang unang kongreso nito sa Angeles City. The alliance was formed by various mass organizations such as Alyansa ng mga Magbubukid sa Gitnang Luson (AMGL - KMP), Workers' Alliance in Region III (WAR 3) - KMU, League of Filipino Students (LFS), and Alliance of Concerned Teachers (ACT).
Maraming prominenteng indibidwal din ang sumali, nakiisa, at sumuporta sa anti-imperyalistang kampanya ng BAYAN - GL. Ang ilan sa mga personalidad na ito ay sina Noli Santos ng Nueva Ecija na dating Mayor ng Talavera, Cong. Jose Feliciano ng Tarlac, Erning Mendoza ng Bulacan, at Fiscal Tombo ng Sta. Rosa Nueva Ecija.
Sa pagsiklab ng EDSA People Power noong February 25, 1986, mas lalong tumaas ang diwang mapanlaban at pagkakaisa ng mga mamamayan sa rehiyon. BAYAN - GL led the mobilization of 5,000 individuals from its member organizations to call for the ouster of Marcos. The people triumphed and the Marcos regime finally collapsed.
Ngunit sa pagpapalit ng bagong presidente ng bansa, malinaw sa BAYAN na mukha lamang ang mapapalitan at hindi ang buong sistema ng gobyernong tanging nagsisilbi lang sa mga naghaharing uri at imperyalistang dayuhan.
Pagpatak ng unang buwan ng 1987, sa ika-22 ng Enero, humugos ang BAYAN sa DAR tungong Mendiola sa mismong pag-upo ni Cory Aquino sa pwesto bilang Presidente. Dito naganap ang malagim na Mendiola Massacre kung saan sa 13 magsasaka ang walang awang pinaslang, 4 dito ay mga magsasaka mula sa Gitnang Luson.
Sa kasunod na buwan, ika-10 ng Pebrero, naganap naman ang Lupao Massacre sa Nueva Ecija kung saan 17 indibidwal sa Brgy. Namulandayan ang kalunos-lunos na pinatay ng mga militar. This killing spree under Aquino's watch was strongly condemned by BAYAN - GL. Ngunit kalaunan, mas lalo lang din tumindi ang pasistang atake sa mga mamamayan sa paglulunsad ni Aquino ng kontra-insurhensyang programa nitong Oplan Lambat-Bitag.
In 1988, Central Luzon Alliance for a Sovereign Philippines (CLASP) was formed to reverberate the call to dismantle the US military bases in the Philippines. Nabuo ang malawak na pagkakaisa sa iba’t ibang mga sektor at naglunsad ng mga talakayan-pagtitipon sa ilalim ng CLASP. Lumalakas ang anti-imperyalistang pakikibaka.
When Mt. Pinatubo erupted in 1991, the people immediately responded to the crisis. An institution named CONCERN and Central Luzon Disaster Response Network (CLDRN) was established in the region to help the victims of calamities and disaster. Also, UGNAYAN was created as the organization of Mt. Pinatubo victims. These formations and institution join their efforts to extend help and taught the masses to collectively assert their rights. Dahil dito, napagtagumpayan ng mga mamamayan ang pagkakaroon ng pabahay at kabuhayan matapos ang sakuna.
On the same year of the disaster, massive protests were continuously staged in front of Clark Freeport Zone. At sa taon ding ito, nangyari ang makasaysayang pagpapalayas ng base militar sa Pilipinas kung saan 12 mambabatas o mas kilala bilang “Majic 12” ang pumirma para sa bases rejection.
Ngayon, kumakaharap ulit ang mga mamamayan sa ligalig: may krisis pangkalusugan dulot ng COVID-19 at nakaamba ang global recession bilang epekto ng pananalasa ng virus.
Tandaan natin na magpapatuloy ang paglaban ng mga mamamayan hangga't nariyan ang mga batayang problemang umiiral: landlessness, inhumane working conditions, neglect of basic social services, etc. Patuloy na makikibaka laban sa imperyalismo ang mga mamamayan dahil hindi naman nawala ang kontrol nito sa pulitika, ekonomya, at kultura ng bansa.
At ngayon, sa henerasyon ito, lumahok tayo sa paglikha ng kasaysayan sa ating panahon. Sikapin natin #magtagumpay - para sa mas maayos na mundong may panlipunang hustisya.
Larawan mula kay: Elle Arvie at Alexander Sangalang Cauguiran.
(Ang naratibo ay mula sa sumada sa kasaysayan ng BAYAN - GL, kung may mali man o dagdag, pls feel free to comment or PM me! <3)


#StandWithThePoor

Pinipili natin silang makita sa mga sitwasyong may kaguluhan.
Nagagalit tayo tuwing laman na naman sila ng balita – nagpoprotesta sa gobyerno para humingi ng pagkain at ayuda.
Naiinis tayo kapag narinig nating nag-occupy sila ng mga lupa at pabahay. O di kaya’y kapag nanawagan sila sa mga isyu kagaya ng pagkakabit ng tubig at kuryente, pagkakaroon ng abot-kaya at pangmasang pabahay, pagpapatigil sa demolisyon, paglaban sa kontraktwalisasyon at marami pang iba.
Paparatangan natin silang mahirap dahil tamad sila. Walang disiplina sa sarili, bastos, o walang pinag-aralan. Ito ang selective perception natin sa kanila.
But let me tell you other things way too far from those scenes you deemed as chaotic.
Organizations such as KADAMAY taught the urban poor the importance of being organized. Sa pagiging bahagi nito, natututunan ng mga maralita ang kanilang batayang karapatan. They are clothed with wisdom. They are armed with an altruistic principle.
At dahil dito, unti-unti, sinisikap ng mga maralitang ayusin ang kanilang munting komunidad – mula sa kalinisan, pagtatayo ng daycare, pagtatayo ng mga kooperatiba o pag-umpisa ng kabuhayan/trabaho sa lugar, at paglulunsad ng mga aktibidad na ilalayo ang mga kabataan sa masasamang bisyo o karahasan.
Even with limited resources, they strive to help each other. Nagbabayanihan, nagtutulungan. Kung sino man sa komunidad ang may kagyat na pangangailangan o problema, hahanap at hahanap ng paraan ang buong komunidad para matugunan ito.
Frankly, in the urban poor communities, I have seen the most genuine kind of bayanihan.
Sa ilang pagkakataon din, ang ganitong klaseng kamalayan at praktika sa organisasyon ay nagpapabago ng mga indibidwal, maging ang mga itinuturing na pinakamasama o pinaka-sakit sa ulo sa komunidad.
Namumulat ang mga maralitang taga-lungsod na may kahirapan hindi dahil tamad sila. In the first place, walang pribeliheyo ng oras upang maging tamad ang maralita. Kung hindi sila kumayod, walang makakain ang buong pamilya sa isang araw. Magugutom.
Nasaksihan ko iyan sa mga maralita ng Plastikan sa Payatas, naglalaba ng plastik sa gitna ng masangsang na amoy ng sapa para kumita sa isang araw. Patunay rin ang karanasan ng mga nangangalahig na magsasaka sa Rizal na sa panahong hindi pa sila makapag-ani, mamamasura muna sa dump site sa kabilang bahagi ng bundok malapit sa kanilang tirahan.
Dahil ang kahirapan ay kawalan ng akses at oportunidad sa sosyo-ekonomikong pag-unlad: hindi makapag-aral, ang maaaring pasukang trabaho'y mababa lang ang sahod, walang suporta mula sa gubyerno, mailap ang serbisyong panlipunan.
Piliin din sana nating makita ang ganitong konteksto sa kanilang danas.
Let us descend from our ivory tower and veer away from the pedestal called privilege. Mapagkumbaba nating tingnan, aralin, at lumahok sa kanilang pakikibaka bilang maralita.
(Larawan mula kay: Res Cruz Flores)

Hindi ako rito nagtatapos:

Nagpasya akong hindi isapubliko ang larawang ito, apat na taon ang nakalipas.

Wala sa loob ko na ibulatlat ang tagumpay na nakamit sa burges na edukasyon, para sa balidasyon ng mundong napakapyudal ang pamantayan ng pagwawagi.

Itatago ko ang larawang ito, sabi sa sarili noon, at ilalabas pag nalampasan ang panibagong apat na taon - anong mundo man ang iniiralan ng magiging kasalukuyan.

Sinong mag-aakala na ang isang dayo ay makakapag-ambag sa kasaysayan ng muling pagpapalakas? Pinadalhan man ng sulat sa bahay mula sa admin, kinausap man sa unibersidad ang magulang, pinatawag at pinaratangan mang tagapagpanumbalik ng aktibisto sa isang unibersidad na higit ilang taon nang humupa ang militansya at umabot nang dekada bago muling nakapag walk-out ang mga estudyante.

Musmos man ang edad at karanasan ay nanatili at nagpatuloy sa kabila ng takot. Dahil normal lang naman ang matakot, ngunit hindi dapat ito maging dahilan ng pagtigil.

Hindi na maglalagay ng retoriko sa apat na taon sa kolehiyo, sa pakikipagbuno paano pagsabayin ang pagkilos at pag-aaral. Maraming namang saksi doon. Bagamat gustong gusto ng puso ang natututunan sa akademya, higit na naging mas matimbang ang pagkatuto sa totoong mundo labas ng unibersidad.

Apat na taon ang nakalipas, mas pinili kong umiral batay sa aksyon at ginagawa, at hindi mula sa mga sinasabi. Napakadaling magbitiw ng mga salita, napakahirap nitong panghawakan ng mahigpit, lalo na't panindigan ito sa mahabang panahon.

Alam kong nakaabang ang sanlibutan sa mga susunod kong hakbang. Sa pagkakamit sa matayog nilang tore ng ekspektasyon, sa pag-apak sa maningning na pedestal -- ito ang tipikal na inaasahan sa kinagisnan kong mundo na ibang-iba ang pananaw sa kung paano mabuhay ng makabuluhan at may prestihiyo.

At aaminin ko, takot na takot ako noon. Takot akong mangahas na sumalungat sa agos. O mas tamang sabihin, takot lamang ako sa mga sasabihin at magiging reaskyon ng aking paligid; ng mga kaanak, kaibigan, mga kakilala. Mas takot ako sa hindi nila pagtanggap, sa hindi nila maaaring pagkilala at pag-unawa.

Ngunit heto tayo ngayon. Hindi nagpadaig sa takot.

Nagpasyang pumalaot sa malawak na karagatan ng kasaysayan ng paglaban ng mamamayan. Patuloy na binubuyo ang malalakas na agos ng mga pangamba at panganib.

Sa pagtatapos at paglabas sa unibersidad, hindi natapos ang edukasyon at mas higit pa ang pagkatuto. Puno ng hamon. Nasanay na ang bawat araw ay pagharap lagi sa mga hampas ng alon. Lahat ng panahon ay tamang panahon para lumaban at magtagumpay.

Hindi biro ang mga nalampasan at hinaharap na tunggalian, ang mas malalim na pag-intindi sa ugat ng kasalukuyan. Nagsimulang magtanong at kumwestyon. At kung kinakailangan ay aktibong gumuhit sa mga bagay na dapat pagkasunduan at sa mga hindi dapat hayaan. 'Di ko rin mawari saan hinugot ang katatagan, ngunit marahil sa pagtangan sa tama at sa katotohanan. Ang materyal na kondisyo'y walang ibang itinutulak sa sarili kundi maging matatag.

May mga pagtatapos din na hindi na maaaring magawa. May mga nagsasarang pahina, ika nga. Gayunpaman, matinding aral ng paghihintay at pag-unawa ang itinuro sakin ng mga panahong nasa bingit ng pagkalunod. Laking pasasalamat din sa mga pagkakamali't kahinaan, dahil dito'y napanday ang 'di perpektong sarili at mapagkumbabang nagwawasto't nagpapanibago.

Mula sa mga hamon na pinagdaanan bilang estudyante ng unibersidad, at sa ngayo'y mga panibagong hamon bilang isang estudyante naman ng lipunan, gaano man ka gaspang ang mga pinagdaanan, nariyan, lagi't lagi, ang mga pagkakataon para magpanibagong sigla.

Para sa mas maraming pang mga taon, na nawa'y higitan pa ang unang apat na taong nagdaan.

Dahil hindi natatapos sa pagtatapos ang kabuluhan ng buhay.

Castillo, Lester May D.
Bachelor of Arts in Communication
Magna Cum Laude
Award of Excellence, Communication Research - Philippine Student Quill Awards

Anak ng bayan.

Ang Huling Pitong Salita ng Diyos


I.
Inaakusahan ang maralita
sa panahong higit dapat
pakinggang ang kanilang kalam
na sikmura,

ang naratibo ng kahirapa’y,
kasinungalingan – ayon sa mga paham,

na ni minsa’y hindi umapak sa lupa,
ng masalimuot na katotohanan.

“𝐴𝑚𝑎, 𝑝𝑎𝑡𝑎𝑤𝑎𝑟𝑖𝑛 𝑚𝑜 𝑠𝑖𝑙𝑎
𝑠𝑎𝑝𝑎𝑔𝑘𝑎𝑡 ℎ𝑖𝑛𝑑𝑖 𝑛𝑖𝑙𝑎 𝑎𝑙𝑎𝑚
𝑎𝑛𝑔 𝑘𝑎𝑛𝑖𝑙𝑎𝑛𝑔 𝑔𝑖𝑛𝑎𝑔𝑎𝑤𝑎”

II.
“𝑁𝑔𝑎𝑦𝑜𝑛 𝑎𝑦 𝑘𝑎𝑘𝑎𝑠𝑎𝑚𝑎ℎ𝑖𝑛 𝑘𝑖𝑡𝑎
𝑠𝑎 𝑝𝑎𝑟𝑎𝑖𝑠𝑜”

Walang puwang ang pang-aapi
at pagsasamantala dito,

sapagkat sa mundo,
ang paraisong ito’y isang lipunang
dapat likhain ng mamamayan.

III.
Sa mga komunidad,

“𝐵𝑎𝑏𝑎𝑒, 𝑛𝑎𝑟𝑖𝑡𝑜 𝑎𝑛𝑔 𝑖𝑦𝑜𝑛𝑔 𝑎𝑛𝑎𝑘!
𝑁𝑎𝑟𝑖𝑡𝑜 𝑎𝑛𝑔 𝑖𝑦𝑜𝑛𝑔 𝑖𝑛𝑎!”

humayo at hanapin ang problema ng masa,
malapit sa kanilang bituka.

Ang kasagutan dito’y nasa pag-alam
at pagkatuto sa kanilang karanasan.

Higit sa lahat, nasa praktika ng araw-araw
na paglahok sa digma ng buhay

at para mabuhay.

IV.
Namamatay ang sangkatauhan,
sa tulak ng neoliberalismo,

sistematiko ang pagpatay
sa bigwas ng pasismo,

“𝐷𝑖𝑜𝑠 𝑘𝑜, 𝐷𝑖𝑜𝑠 𝑘𝑜 𝑏𝑎𝑘𝑖𝑡 𝑚𝑜 𝑎𝑘𝑜
𝑝𝑖𝑛𝑎𝑏𝑎𝑦𝑎𝑎𝑛?”

Lugmok at hikahos na ang buong bayan,

kaya’t kailangan
lumaban.

V.
Dahil sa katarungan
at panlipunang hustisya,
“𝑁𝑎𝑢𝑢ℎ𝑎𝑤 𝑎𝑘𝑜”

Hayaang paglingkuran ko ang bayang
naliligalig, kung saan ang

mga maralita
mga manggagawa
mga magsasaka

– ang mga mamamayan
ay ilang daang taon nang
inaapi at pinagsasamantalahan.

VI.
At ngayon,

“𝑁𝑎𝑔𝑎𝑛𝑎𝑝 𝑛𝑎”

ang kanilang pagbabalikwas laban
sa nakasanayang mali.

Sila’y nananawagan nang pagpapanagot
at paniningil sa sala ng mga naghaharing uri.

Pinapanday ng mamamayan
ang kanilang pagtatagumpay.

VII.
“𝐴𝑚𝑎, 𝑠𝑎 𝑚𝑔𝑎 𝑘𝑎𝑚𝑎’𝑦 𝑚𝑜’𝑦
𝑖𝑝𝑖𝑛𝑎𝑔𝑡𝑎𝑡𝑎𝑔𝑎𝑏𝑖𝑙𝑖𝑛 𝑘𝑜 𝑎𝑛𝑔 𝑎𝑘𝑖𝑛𝑔 𝑒𝑠𝑝𝑖𝑟𝑖𝑡𝑜!”

Hayaang ang mga palad
ay maging kuyom na kamao,

laban sa mga ugat
ng kahirapan;

laban sa burukrata kapitalismo,
laban sa pyudalismo,
laban sa imperyalismo.

At hayaang ang mga kuyom na kamao,
ay ibigwas sa saliw ng rebolusyon.


(Street Performance Art photo by: Cocs)