Huwebes, Abril 16, 2020
Ang Huling Pitong Salita ng Diyos
I.
Inaakusahan ang maralita
sa panahong higit dapat
pakinggang ang kanilang kalam
na sikmura,
ang naratibo ng kahirapa’y,
kasinungalingan – ayon sa mga paham,
na ni minsa’y hindi umapak sa lupa,
ng masalimuot na katotohanan.
“𝐴𝑚𝑎, 𝑝𝑎𝑡𝑎𝑤𝑎𝑟𝑖𝑛 𝑚𝑜 𝑠𝑖𝑙𝑎
𝑠𝑎𝑝𝑎𝑔𝑘𝑎𝑡 ℎ𝑖𝑛𝑑𝑖 𝑛𝑖𝑙𝑎 𝑎𝑙𝑎𝑚
𝑎𝑛𝑔 𝑘𝑎𝑛𝑖𝑙𝑎𝑛𝑔 𝑔𝑖𝑛𝑎𝑔𝑎𝑤𝑎”
II.
“𝑁𝑔𝑎𝑦𝑜𝑛 𝑎𝑦 𝑘𝑎𝑘𝑎𝑠𝑎𝑚𝑎ℎ𝑖𝑛 𝑘𝑖𝑡𝑎
𝑠𝑎 𝑝𝑎𝑟𝑎𝑖𝑠𝑜”
Walang puwang ang pang-aapi
at pagsasamantala dito,
sapagkat sa mundo,
ang paraisong ito’y isang lipunang
dapat likhain ng mamamayan.
III.
Sa mga komunidad,
“𝐵𝑎𝑏𝑎𝑒, 𝑛𝑎𝑟𝑖𝑡𝑜 𝑎𝑛𝑔 𝑖𝑦𝑜𝑛𝑔 𝑎𝑛𝑎𝑘!
𝑁𝑎𝑟𝑖𝑡𝑜 𝑎𝑛𝑔 𝑖𝑦𝑜𝑛𝑔 𝑖𝑛𝑎!”
humayo at hanapin ang problema ng masa,
malapit sa kanilang bituka.
Ang kasagutan dito’y nasa pag-alam
at pagkatuto sa kanilang karanasan.
Higit sa lahat, nasa praktika ng araw-araw
na paglahok sa digma ng buhay
at para mabuhay.
IV.
Namamatay ang sangkatauhan,
sa tulak ng neoliberalismo,
sistematiko ang pagpatay
sa bigwas ng pasismo,
“𝐷𝑖𝑜𝑠 𝑘𝑜, 𝐷𝑖𝑜𝑠 𝑘𝑜 𝑏𝑎𝑘𝑖𝑡 𝑚𝑜 𝑎𝑘𝑜
𝑝𝑖𝑛𝑎𝑏𝑎𝑦𝑎𝑎𝑛?”
Lugmok at hikahos na ang buong bayan,
kaya’t kailangan
lumaban.
V.
Dahil sa katarungan
at panlipunang hustisya,
“𝑁𝑎𝑢𝑢ℎ𝑎𝑤 𝑎𝑘𝑜”
Hayaang paglingkuran ko ang bayang
naliligalig, kung saan ang
mga maralita
mga manggagawa
mga magsasaka
– ang mga mamamayan
ay ilang daang taon nang
inaapi at pinagsasamantalahan.
VI.
At ngayon,
“𝑁𝑎𝑔𝑎𝑛𝑎𝑝 𝑛𝑎”
ang kanilang pagbabalikwas laban
sa nakasanayang mali.
Sila’y nananawagan nang pagpapanagot
at paniningil sa sala ng mga naghaharing uri.
Pinapanday ng mamamayan
ang kanilang pagtatagumpay.
VII.
“𝐴𝑚𝑎, 𝑠𝑎 𝑚𝑔𝑎 𝑘𝑎𝑚𝑎’𝑦 𝑚𝑜’𝑦
𝑖𝑝𝑖𝑛𝑎𝑔𝑡𝑎𝑡𝑎𝑔𝑎𝑏𝑖𝑙𝑖𝑛 𝑘𝑜 𝑎𝑛𝑔 𝑎𝑘𝑖𝑛𝑔 𝑒𝑠𝑝𝑖𝑟𝑖𝑡𝑜!”
Hayaang ang mga palad
ay maging kuyom na kamao,
laban sa mga ugat
ng kahirapan;
laban sa burukrata kapitalismo,
laban sa pyudalismo,
laban sa imperyalismo.
At hayaang ang mga kuyom na kamao,
ay ibigwas sa saliw ng rebolusyon.
(Street Performance Art photo by: Cocs)
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento