Linggo, Nobyembre 13, 2016

SILENCE THAT KILLS

Dahil, alam mo ba, na ang pinakamasakit na pagpapaliwanag ay katahimikan.

 May mga pagkakataong gusto kong makatanggap ng mga paliwanag, gusto kong malunod sa mga salita, gusto kong mapakinggan ang katotohanan.

Pero mas marami ang panahong ayaw ko na. Na hindi ko na kailangan ng usap-usap pa. Na hayaan nalang ang panahon na tumulong sa paghilom at paglimot, kahit napakahirap.

Gusto kong maghiganti, sa lahat-lahat ng sakit at problema na dinulot niya. Alam kong wala siya sa pamantayan. Hindi katanggap-tanggap ang ginawa niya. Wala man lang kahit anong salita, kahit pagsambit ng "patawad."

Simula ngayon, aantayin ko nalang ang panahon na makakabawi ako, makakapaghiganti. At sisiguraduhin kong ang higanti ko'y ang makita niyang masaya na ako sa iba at ipadama sa kanyang hindi siya malaking kawalan.

Yes. Ang bitter ko. Ang harsh ko. Because pain was also excruciating. At ayaw ko na ulit maulit ang mga panahon na iyon, ang mga araw na awang-awa ako sa sarili ko.

Salamat nalang sa karanasan.

Huwebes, Nobyembre 10, 2016

KUNG ALAM MO LANG

Alam kong pagod tayong dalawa.

Pagod ka diyan sa kanayunan.
Pagod naman ako dito sa kalunsuran.

Pero magtatagpo tayo sa susunod na araw. At sana, ma'realize mong totoo ang mga textssss ko. Yes maraming sssss dahil kadaming beses ko na nagtext sayo at napakadalang mong mag-reply. Kung magrereply ka naman ay napaka-showbiz ng bawat salita.

Haixt. Kung alam mo lang. Hope you would treat me well. Echoz. #Umaasa

Lunes, Nobyembre 7, 2016

Kung Paano ko Isalansan ang Aking mga Pakiramdam

(Naisalba sa lumang blog sa mayobenteuno.wordpress.com)

JUNE 2015
Isa-isang ikukulong
ang lahat ng uri ng pakiramdam
sa pinakadulong bahagi ng isipan.

Hindi dapat makawala ang lungkot,
panghihinayang, pangamba,
pagsisisi, pighati,
galit, at poot.
Mapangabib na makalaya sila
lalo na’t makarating sa puso – pagkat
dito namumuo ang pinakamalakas
at pinakamapanirang mga bagyo.
Magsisilbing matibay na tarangkahan
ang pilit na paglimot,
o huwag na munang pag-alala
hanggat maaari,
Pagkat pag lahat sila’y kumawala,
nakalaya’t nakalipad mula sa isip,
puso, hanggang makarating sa kaluluwa.
Isa nang sakuna ang hudyat ng mga luha.

Nikotina ay Damdamin


I. NIKOTINA Madalas tayong naglalakbay, sa sarili nating mga damdamin: Habang mag-isang binabagtas ang malungkot na siyudad sa isang matamlay na gabi.

Biyernes, Nobyembre 4, 2016

PAGODA

Pagod na ko. Pero productive naman ang araw kaya sulit.

Antok na ko. Pero ini-stalk ko pa yung blog mo hihi.

Ano kaya reaksyon mo pag nakita mo tong blog kong to.

Haixt. May tawag akong hindi nasagot. Bukas nalang yon lol.

Good night. Ala akong load di kita matext huhu. Pero baka tulog ka na. For sure super pagoda mo rin #OnwardWithPeoplesStruggle

Mwehehehehehehehehehe <3

A SIMPLE REPLY

Natulog ako at nagising na puno ng pag-aalala at pangamba.

Iniisip ko na naman ang mga bagay-bagay na dapat nang kalimutan. Mahirap may bagahe sa pagrerebolusyon. Ngunit napakaraming nagpapaalala na nagpapabigat ng mga bagahe. Totoo ngang naka-stress ang labis-labis na pag-iisip.

Huwebes, Nobyembre 3, 2016

Sandaling Saglit: Mga Tula ng Pira-pirasong Puso



I.                THOUGHT BUBBLE

Marahil, may panahong minahal mo akong tunay.
Ngunit mas marami ang mga panahong hindi na.

Marahil, may panahong ako lang ang iyong iniibig.
Ngunit mas marami ang panahong iba na ang iyong mahal.

Marahil, may mga panahong nag-aalala ka sakin.
Ngunit mas marami ang panahong iba na ang iniisip, kinasasabikan.

Marahil, may mga panahong totoo ang bawat sandali.

Ngunit mas marami ang panahong,
binalot ng pagkukunwari.

Miyerkules, Nobyembre 2, 2016

Sandaling Saglit

Nasa piso net. 5 minutes nalang ang time. Napakabilis.

Mabilis din sumalakay ang mga alaala.

Mabilis din ang kanyang paglimot.

Napaka-sandali ng saglit na pagsasama.

Choz. Haixt. 

Martes, Nobyembre 1, 2016

Pangalawang araw ng Nobyembre

Wala akong gana. Tinatamad ako. Pero dahil may wifi dito sa bahay, at ayaw ko masyado mag-facebook dahil mabobombard na naman ako ng mga tanong, chat, comments, etc...

Naisipan kong i-search ang pangalan mo sa google.

Antaray. Tawa ako ng tawa sa mga links na nabubuksan ko. Nahanap ko ang pangalan mo sa youtube. Pinanood ko ang mga ni-upload mong videos. Nakita ko rin na nakasama ang pangalan mo sa listahan ng isang anthology, kaso hindi ko makita ng buo yung tula mo, di yata naka-post online.

Higit sa lahat, nakita ko ang blog mo. Hahahahaha. Ewan ko ba at tuwang tuwa ako. Binasa ko ang mga posts mo, napaka-baliw mo. At jusko po, ang mga posts mong tungkol sa mga araw-araw na kaganapan mo sa buhay ay exactly 12 years before. Shet. Ang tagal na. Matanda ka na ngang tunay.