Biyernes, Nobyembre 4, 2016

A SIMPLE REPLY

Natulog ako at nagising na puno ng pag-aalala at pangamba.

Iniisip ko na naman ang mga bagay-bagay na dapat nang kalimutan. Mahirap may bagahe sa pagrerebolusyon. Ngunit napakaraming nagpapaalala na nagpapabigat ng mga bagahe. Totoo ngang naka-stress ang labis-labis na pag-iisip.


Kanina, binati kita ng magandang umaga ng walang inaasahang tugon o reply mula sa iyo. Sanay na naman din ako na di ka magreply sa akin. Nitong huli kasi, di ka na talaga nagrereply sa mga text ko. Nagrereply ka lang pag may tanong akong kaugnay sa org. Pero nagulat ako nang nag-text back ka:


Sa totoo lang, napa'ngiti ako nito :) Pinawi ng simpleng mensahe ang bigat ng mga nararamdaman ko. Para bang, ginawa nitong maaliwalas ang paningin ko, maaliwalas ang pakiramdam, magaan.

Ano kayang magiging reaksyon mo pag nakita mo itong blog post ko? O mababasa mo kaya ito? Haha. #Jusme #ArteDiba.

Pero, salamat din, dahil sinalba ako ng reply mo na ito mula sa muling pagkalunod sa mga alalahanin :)

Intense work always. Both of us. All of us. *iniisip ko kung sumasagi rin ako sa isip mo while working choz!!* hahahaha ang peti diba? Pero hayaan mo na. This is my space. Ito ang timba ko, binubuhos ko rito ang lahat-lahat ng aking mga pakiramdam, even unrequited love (chooooozzz).

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento