Huwebes, Abril 16, 2020

Brief History of Mass Movement in Central Luzon


Let me tell you a story about our forebearers who fought great battles of their generation.
In Central Luzon, there was a glorious history of mass movements during the 1970s and 1980s that dismantled the US military bases, stopped Nuclear Power Plant in Bataan, and caused the downfall of a dictator.

Days were disquiet through the 1970s because of Martial Law. The world was then suffering from economic stagflation. At panahon din ito ng paglakas ng daluyong ng mamamayan para labanan ang kahirapan at pasismo ng rehimen ni Marcos.
Around 1982, intensifying imperialist aggression in the Philippines prompted several patriotic intellectuals and personalities from Angeles City to spearhead various anti-imperialist discussions and social gatherings. These brave initiatives, later on, yielded to the formation of Concerned Citizens of Pampanga (CCP) having Atty. Jose “Tata Sensing” Suarez as the Chairman.
Mula dito, mabilis na naitayo ang iba’t ibang chapters ng CCP sa rehiyon. Kabahagi lalo na ang mga batayang sektor. This was also the time where big names from the middle class and prominent families became deeply rooted and engaged in societal issues.
When Ninoy Aquino was assassinated in 1983, umalingawngaw sa kalsada sa buong bansa ang panawagang “Justice for Aquino! Justice for All!” (kilala din ito bilang JaJa). And the people from Central Luzon heeded to this campaign and staged the first-ever regional mobilization that year attended by 5,000-strong individuals.
In 1984, an upsurge in protests was still happening around the region. So to consolidate and strengthen the people's dissent against imperialism and Marcos fascism, Fr. Tito Paez and Gil Lim initiated the establishment of Damdamin ng Bayang Nagkakaisa (DAMBANA). Naging epektibo at malakas na instrumento ito ng mga mamamayan para labanan ang presensya ng US military bases at ang tangkang pagbubukas ng Nuclear Power Plant sa Bataan.
Malawak ang mamamayang lumalahok sa mga pakikibaka ito. Kaya naman, naging batayan ito para itayo ang Bagong Alyansang Makabayan - Gitnang Luson noong July 20, 1985 kung saan ginanap ang unang kongreso nito sa Angeles City. The alliance was formed by various mass organizations such as Alyansa ng mga Magbubukid sa Gitnang Luson (AMGL - KMP), Workers' Alliance in Region III (WAR 3) - KMU, League of Filipino Students (LFS), and Alliance of Concerned Teachers (ACT).
Maraming prominenteng indibidwal din ang sumali, nakiisa, at sumuporta sa anti-imperyalistang kampanya ng BAYAN - GL. Ang ilan sa mga personalidad na ito ay sina Noli Santos ng Nueva Ecija na dating Mayor ng Talavera, Cong. Jose Feliciano ng Tarlac, Erning Mendoza ng Bulacan, at Fiscal Tombo ng Sta. Rosa Nueva Ecija.
Sa pagsiklab ng EDSA People Power noong February 25, 1986, mas lalong tumaas ang diwang mapanlaban at pagkakaisa ng mga mamamayan sa rehiyon. BAYAN - GL led the mobilization of 5,000 individuals from its member organizations to call for the ouster of Marcos. The people triumphed and the Marcos regime finally collapsed.
Ngunit sa pagpapalit ng bagong presidente ng bansa, malinaw sa BAYAN na mukha lamang ang mapapalitan at hindi ang buong sistema ng gobyernong tanging nagsisilbi lang sa mga naghaharing uri at imperyalistang dayuhan.
Pagpatak ng unang buwan ng 1987, sa ika-22 ng Enero, humugos ang BAYAN sa DAR tungong Mendiola sa mismong pag-upo ni Cory Aquino sa pwesto bilang Presidente. Dito naganap ang malagim na Mendiola Massacre kung saan sa 13 magsasaka ang walang awang pinaslang, 4 dito ay mga magsasaka mula sa Gitnang Luson.
Sa kasunod na buwan, ika-10 ng Pebrero, naganap naman ang Lupao Massacre sa Nueva Ecija kung saan 17 indibidwal sa Brgy. Namulandayan ang kalunos-lunos na pinatay ng mga militar. This killing spree under Aquino's watch was strongly condemned by BAYAN - GL. Ngunit kalaunan, mas lalo lang din tumindi ang pasistang atake sa mga mamamayan sa paglulunsad ni Aquino ng kontra-insurhensyang programa nitong Oplan Lambat-Bitag.
In 1988, Central Luzon Alliance for a Sovereign Philippines (CLASP) was formed to reverberate the call to dismantle the US military bases in the Philippines. Nabuo ang malawak na pagkakaisa sa iba’t ibang mga sektor at naglunsad ng mga talakayan-pagtitipon sa ilalim ng CLASP. Lumalakas ang anti-imperyalistang pakikibaka.
When Mt. Pinatubo erupted in 1991, the people immediately responded to the crisis. An institution named CONCERN and Central Luzon Disaster Response Network (CLDRN) was established in the region to help the victims of calamities and disaster. Also, UGNAYAN was created as the organization of Mt. Pinatubo victims. These formations and institution join their efforts to extend help and taught the masses to collectively assert their rights. Dahil dito, napagtagumpayan ng mga mamamayan ang pagkakaroon ng pabahay at kabuhayan matapos ang sakuna.
On the same year of the disaster, massive protests were continuously staged in front of Clark Freeport Zone. At sa taon ding ito, nangyari ang makasaysayang pagpapalayas ng base militar sa Pilipinas kung saan 12 mambabatas o mas kilala bilang “Majic 12” ang pumirma para sa bases rejection.
Ngayon, kumakaharap ulit ang mga mamamayan sa ligalig: may krisis pangkalusugan dulot ng COVID-19 at nakaamba ang global recession bilang epekto ng pananalasa ng virus.
Tandaan natin na magpapatuloy ang paglaban ng mga mamamayan hangga't nariyan ang mga batayang problemang umiiral: landlessness, inhumane working conditions, neglect of basic social services, etc. Patuloy na makikibaka laban sa imperyalismo ang mga mamamayan dahil hindi naman nawala ang kontrol nito sa pulitika, ekonomya, at kultura ng bansa.
At ngayon, sa henerasyon ito, lumahok tayo sa paglikha ng kasaysayan sa ating panahon. Sikapin natin #magtagumpay - para sa mas maayos na mundong may panlipunang hustisya.
Larawan mula kay: Elle Arvie at Alexander Sangalang Cauguiran.
(Ang naratibo ay mula sa sumada sa kasaysayan ng BAYAN - GL, kung may mali man o dagdag, pls feel free to comment or PM me! <3)


#StandWithThePoor

Pinipili natin silang makita sa mga sitwasyong may kaguluhan.
Nagagalit tayo tuwing laman na naman sila ng balita – nagpoprotesta sa gobyerno para humingi ng pagkain at ayuda.
Naiinis tayo kapag narinig nating nag-occupy sila ng mga lupa at pabahay. O di kaya’y kapag nanawagan sila sa mga isyu kagaya ng pagkakabit ng tubig at kuryente, pagkakaroon ng abot-kaya at pangmasang pabahay, pagpapatigil sa demolisyon, paglaban sa kontraktwalisasyon at marami pang iba.
Paparatangan natin silang mahirap dahil tamad sila. Walang disiplina sa sarili, bastos, o walang pinag-aralan. Ito ang selective perception natin sa kanila.
But let me tell you other things way too far from those scenes you deemed as chaotic.
Organizations such as KADAMAY taught the urban poor the importance of being organized. Sa pagiging bahagi nito, natututunan ng mga maralita ang kanilang batayang karapatan. They are clothed with wisdom. They are armed with an altruistic principle.
At dahil dito, unti-unti, sinisikap ng mga maralitang ayusin ang kanilang munting komunidad – mula sa kalinisan, pagtatayo ng daycare, pagtatayo ng mga kooperatiba o pag-umpisa ng kabuhayan/trabaho sa lugar, at paglulunsad ng mga aktibidad na ilalayo ang mga kabataan sa masasamang bisyo o karahasan.
Even with limited resources, they strive to help each other. Nagbabayanihan, nagtutulungan. Kung sino man sa komunidad ang may kagyat na pangangailangan o problema, hahanap at hahanap ng paraan ang buong komunidad para matugunan ito.
Frankly, in the urban poor communities, I have seen the most genuine kind of bayanihan.
Sa ilang pagkakataon din, ang ganitong klaseng kamalayan at praktika sa organisasyon ay nagpapabago ng mga indibidwal, maging ang mga itinuturing na pinakamasama o pinaka-sakit sa ulo sa komunidad.
Namumulat ang mga maralitang taga-lungsod na may kahirapan hindi dahil tamad sila. In the first place, walang pribeliheyo ng oras upang maging tamad ang maralita. Kung hindi sila kumayod, walang makakain ang buong pamilya sa isang araw. Magugutom.
Nasaksihan ko iyan sa mga maralita ng Plastikan sa Payatas, naglalaba ng plastik sa gitna ng masangsang na amoy ng sapa para kumita sa isang araw. Patunay rin ang karanasan ng mga nangangalahig na magsasaka sa Rizal na sa panahong hindi pa sila makapag-ani, mamamasura muna sa dump site sa kabilang bahagi ng bundok malapit sa kanilang tirahan.
Dahil ang kahirapan ay kawalan ng akses at oportunidad sa sosyo-ekonomikong pag-unlad: hindi makapag-aral, ang maaaring pasukang trabaho'y mababa lang ang sahod, walang suporta mula sa gubyerno, mailap ang serbisyong panlipunan.
Piliin din sana nating makita ang ganitong konteksto sa kanilang danas.
Let us descend from our ivory tower and veer away from the pedestal called privilege. Mapagkumbaba nating tingnan, aralin, at lumahok sa kanilang pakikibaka bilang maralita.
(Larawan mula kay: Res Cruz Flores)

Hindi ako rito nagtatapos:

Nagpasya akong hindi isapubliko ang larawang ito, apat na taon ang nakalipas.

Wala sa loob ko na ibulatlat ang tagumpay na nakamit sa burges na edukasyon, para sa balidasyon ng mundong napakapyudal ang pamantayan ng pagwawagi.

Itatago ko ang larawang ito, sabi sa sarili noon, at ilalabas pag nalampasan ang panibagong apat na taon - anong mundo man ang iniiralan ng magiging kasalukuyan.

Sinong mag-aakala na ang isang dayo ay makakapag-ambag sa kasaysayan ng muling pagpapalakas? Pinadalhan man ng sulat sa bahay mula sa admin, kinausap man sa unibersidad ang magulang, pinatawag at pinaratangan mang tagapagpanumbalik ng aktibisto sa isang unibersidad na higit ilang taon nang humupa ang militansya at umabot nang dekada bago muling nakapag walk-out ang mga estudyante.

Musmos man ang edad at karanasan ay nanatili at nagpatuloy sa kabila ng takot. Dahil normal lang naman ang matakot, ngunit hindi dapat ito maging dahilan ng pagtigil.

Hindi na maglalagay ng retoriko sa apat na taon sa kolehiyo, sa pakikipagbuno paano pagsabayin ang pagkilos at pag-aaral. Maraming namang saksi doon. Bagamat gustong gusto ng puso ang natututunan sa akademya, higit na naging mas matimbang ang pagkatuto sa totoong mundo labas ng unibersidad.

Apat na taon ang nakalipas, mas pinili kong umiral batay sa aksyon at ginagawa, at hindi mula sa mga sinasabi. Napakadaling magbitiw ng mga salita, napakahirap nitong panghawakan ng mahigpit, lalo na't panindigan ito sa mahabang panahon.

Alam kong nakaabang ang sanlibutan sa mga susunod kong hakbang. Sa pagkakamit sa matayog nilang tore ng ekspektasyon, sa pag-apak sa maningning na pedestal -- ito ang tipikal na inaasahan sa kinagisnan kong mundo na ibang-iba ang pananaw sa kung paano mabuhay ng makabuluhan at may prestihiyo.

At aaminin ko, takot na takot ako noon. Takot akong mangahas na sumalungat sa agos. O mas tamang sabihin, takot lamang ako sa mga sasabihin at magiging reaskyon ng aking paligid; ng mga kaanak, kaibigan, mga kakilala. Mas takot ako sa hindi nila pagtanggap, sa hindi nila maaaring pagkilala at pag-unawa.

Ngunit heto tayo ngayon. Hindi nagpadaig sa takot.

Nagpasyang pumalaot sa malawak na karagatan ng kasaysayan ng paglaban ng mamamayan. Patuloy na binubuyo ang malalakas na agos ng mga pangamba at panganib.

Sa pagtatapos at paglabas sa unibersidad, hindi natapos ang edukasyon at mas higit pa ang pagkatuto. Puno ng hamon. Nasanay na ang bawat araw ay pagharap lagi sa mga hampas ng alon. Lahat ng panahon ay tamang panahon para lumaban at magtagumpay.

Hindi biro ang mga nalampasan at hinaharap na tunggalian, ang mas malalim na pag-intindi sa ugat ng kasalukuyan. Nagsimulang magtanong at kumwestyon. At kung kinakailangan ay aktibong gumuhit sa mga bagay na dapat pagkasunduan at sa mga hindi dapat hayaan. 'Di ko rin mawari saan hinugot ang katatagan, ngunit marahil sa pagtangan sa tama at sa katotohanan. Ang materyal na kondisyo'y walang ibang itinutulak sa sarili kundi maging matatag.

May mga pagtatapos din na hindi na maaaring magawa. May mga nagsasarang pahina, ika nga. Gayunpaman, matinding aral ng paghihintay at pag-unawa ang itinuro sakin ng mga panahong nasa bingit ng pagkalunod. Laking pasasalamat din sa mga pagkakamali't kahinaan, dahil dito'y napanday ang 'di perpektong sarili at mapagkumbabang nagwawasto't nagpapanibago.

Mula sa mga hamon na pinagdaanan bilang estudyante ng unibersidad, at sa ngayo'y mga panibagong hamon bilang isang estudyante naman ng lipunan, gaano man ka gaspang ang mga pinagdaanan, nariyan, lagi't lagi, ang mga pagkakataon para magpanibagong sigla.

Para sa mas maraming pang mga taon, na nawa'y higitan pa ang unang apat na taong nagdaan.

Dahil hindi natatapos sa pagtatapos ang kabuluhan ng buhay.

Castillo, Lester May D.
Bachelor of Arts in Communication
Magna Cum Laude
Award of Excellence, Communication Research - Philippine Student Quill Awards

Anak ng bayan.

Ang Huling Pitong Salita ng Diyos


I.
Inaakusahan ang maralita
sa panahong higit dapat
pakinggang ang kanilang kalam
na sikmura,

ang naratibo ng kahirapa’y,
kasinungalingan – ayon sa mga paham,

na ni minsa’y hindi umapak sa lupa,
ng masalimuot na katotohanan.

“𝐴𝑚𝑎, 𝑝𝑎𝑡𝑎𝑤𝑎𝑟𝑖𝑛 𝑚𝑜 𝑠𝑖𝑙𝑎
𝑠𝑎𝑝𝑎𝑔𝑘𝑎𝑡 ℎ𝑖𝑛𝑑𝑖 𝑛𝑖𝑙𝑎 𝑎𝑙𝑎𝑚
𝑎𝑛𝑔 𝑘𝑎𝑛𝑖𝑙𝑎𝑛𝑔 𝑔𝑖𝑛𝑎𝑔𝑎𝑤𝑎”

II.
“𝑁𝑔𝑎𝑦𝑜𝑛 𝑎𝑦 𝑘𝑎𝑘𝑎𝑠𝑎𝑚𝑎ℎ𝑖𝑛 𝑘𝑖𝑡𝑎
𝑠𝑎 𝑝𝑎𝑟𝑎𝑖𝑠𝑜”

Walang puwang ang pang-aapi
at pagsasamantala dito,

sapagkat sa mundo,
ang paraisong ito’y isang lipunang
dapat likhain ng mamamayan.

III.
Sa mga komunidad,

“𝐵𝑎𝑏𝑎𝑒, 𝑛𝑎𝑟𝑖𝑡𝑜 𝑎𝑛𝑔 𝑖𝑦𝑜𝑛𝑔 𝑎𝑛𝑎𝑘!
𝑁𝑎𝑟𝑖𝑡𝑜 𝑎𝑛𝑔 𝑖𝑦𝑜𝑛𝑔 𝑖𝑛𝑎!”

humayo at hanapin ang problema ng masa,
malapit sa kanilang bituka.

Ang kasagutan dito’y nasa pag-alam
at pagkatuto sa kanilang karanasan.

Higit sa lahat, nasa praktika ng araw-araw
na paglahok sa digma ng buhay

at para mabuhay.

IV.
Namamatay ang sangkatauhan,
sa tulak ng neoliberalismo,

sistematiko ang pagpatay
sa bigwas ng pasismo,

“𝐷𝑖𝑜𝑠 𝑘𝑜, 𝐷𝑖𝑜𝑠 𝑘𝑜 𝑏𝑎𝑘𝑖𝑡 𝑚𝑜 𝑎𝑘𝑜
𝑝𝑖𝑛𝑎𝑏𝑎𝑦𝑎𝑎𝑛?”

Lugmok at hikahos na ang buong bayan,

kaya’t kailangan
lumaban.

V.
Dahil sa katarungan
at panlipunang hustisya,
“𝑁𝑎𝑢𝑢ℎ𝑎𝑤 𝑎𝑘𝑜”

Hayaang paglingkuran ko ang bayang
naliligalig, kung saan ang

mga maralita
mga manggagawa
mga magsasaka

– ang mga mamamayan
ay ilang daang taon nang
inaapi at pinagsasamantalahan.

VI.
At ngayon,

“𝑁𝑎𝑔𝑎𝑛𝑎𝑝 𝑛𝑎”

ang kanilang pagbabalikwas laban
sa nakasanayang mali.

Sila’y nananawagan nang pagpapanagot
at paniningil sa sala ng mga naghaharing uri.

Pinapanday ng mamamayan
ang kanilang pagtatagumpay.

VII.
“𝐴𝑚𝑎, 𝑠𝑎 𝑚𝑔𝑎 𝑘𝑎𝑚𝑎’𝑦 𝑚𝑜’𝑦
𝑖𝑝𝑖𝑛𝑎𝑔𝑡𝑎𝑡𝑎𝑔𝑎𝑏𝑖𝑙𝑖𝑛 𝑘𝑜 𝑎𝑛𝑔 𝑎𝑘𝑖𝑛𝑔 𝑒𝑠𝑝𝑖𝑟𝑖𝑡𝑜!”

Hayaang ang mga palad
ay maging kuyom na kamao,

laban sa mga ugat
ng kahirapan;

laban sa burukrata kapitalismo,
laban sa pyudalismo,
laban sa imperyalismo.

At hayaang ang mga kuyom na kamao,
ay ibigwas sa saliw ng rebolusyon.


(Street Performance Art photo by: Cocs)

Sumisikip ang Syudad, Para sa Maralita

Magtatayo ng mga gusali,
palalawakin ang mga kalsada,
unti-unting isesemento
ang mga lupa – sumisikip

ang siyudad,
para sa maralita.

Susunugin ang kanilang
komunidad, ide-demolish
ang mga barong-barong:

“Palayasin ang mga squatter!”

Hayaan silang
magutom at
mamatay,

o di kaya’y
patayin nalang.

Sumisikip ang siyudad,
para sa maralita.

Saan kaya muling itatayo
ang kanilang mga tahanan?


(Kuha ni master Resty ang larawan)

Noble Names


I first heard their names as Guillier, Vic, and Emmanuel.
September last year, these names dominated the news media in an instant. The news flash on a blurry television screen told a sad, horrible story: how they were mercilessly killed, with six others, by soldiers in a clash in Carranglan, Nueva Ecija.
Guillier, Vic, and Emmanuel—these names are those by which they were known from birth, names now known for those who genuinely served the landless farmers in the land called the ‘rice bowl of the Philippines,’ Nueva Ecija. In the revolution, they baptized themselves with new names; they were red fighters, members of New People’s Army.
Just like other brave youth of this generation, Guillier, Vic, and Emmanuel chose to tread the road less traveled. They joined the national democratic movement of the Filipino people and later on embraced the cause of national liberation to the fullest. 
They were young. And they could have chosen a different path, one that would leave them unscathed or bring them to a high pedestal in the status quo. There was an easy future ahead if they only chose the easy path.
But their minds were not as juvenile as their age. They showed what maturity means to them: selflessness and resolve for the cause of building a better, just society.
The brevity of their names – bluntly labeled by many as rebels, extremists, or terrorists – screams more about the vastness of their good deeds and heroism. They are, rightfully, the young martyrs of Central Luzon.

I first heard his name as a University of the Philippines (UP) Diliman Extension Program in Pampanga Cum Laude.
I remember it was one fine evening of November 2012 when I met him during the cultural night for Hacienda Luisita massacre commemoration.
Sitting around the corner was a chubby man wearing eyeglasses, a faded t-shirt and shabby shorts and an almost-dilapidated pairs of slippers, which I would come to know was his normal get up every day. You cannot really tell that he was a UP student or one to have received Latin honors by a first impression.
By then, I was just a novice school paper writer covering the event. I heard him speak, but I was not really impressed by him. I thought he sounded monotonous and aloof. But after a few minutes, he smiled and approached me kindly.
After a couple of days, he shared beautiful stories about his life and how he loved Psychology. Weeks had passed and he gave me educational discussions. Then came another year, and by then, we already shared the same principles and ideologies.
I vividly remember his face wearing a bright smile. That was a time when he won in a Pizza Eating contest. We laughed our hearts out and we keenly cheered on him that night. He really loved food and food made him very happy.
We also used to tease him often. He knows that the clothes he wore stank, and he could not fathom the reason until we taught him how to wash clothes properly.
“Kuya Guilli,” as everyone called him, was a very spirited youth and community organizer in the busy metropolises of Pampanga.
In the urban poor communities, families adored him dearly. He was an emblem of humility and exemplified simplicity.
One day, in a house where he stayed, tuyo (dried fish) was the only viand. The family had no money. Guilli was also penniless. But he had fried chicken in his bag and he gave it to the family’s children instead of eating it all by himself.
Sometimes, he seems not to know what shyness is. In the wet market, while he was walking, his slippers suddenly broke. Instead of buying one, he just said it's okay for him to walk barefoot. And he really did.
Guilli also went to peasant communities. And I think his stint as a peasant organizer furthered his growth as an activist. He became more serious and determined, until it made him leave the comforts of his life in the city and went to the mountains of Sierra Madre.
In the city, he was called Guilli, known as a Psychology graduate, student-leader, frat man, chess player, a loving boyfriend, and a choir member in a Catholic church.
In the countryside, his name was Ka Christian, a red fighter, a poet, and regarded by the peasants as “Principal” because he manages the literacy and numeracy classes for the uneducated farmers.
And simply, to his loving parents, he was Guiller Martin S. Cadano, their only son, a generous child who always gave a penny whenever he sees beggars. He was a young martyr who offered his life for the revolution.
I first met him in a community in Angeles City. He was holding a cold bottle of alcohol, on his other hand, was a cigarette.
He actually looked like a gangster in a Filipino movie. He was the so-called leader in their place, known in the community who led the youth united by any kinds of nicotine and alcohol.
We became classmates in educational discussions conducted in their community. Eventually, I realized he was very kind and thoughtful. He would respond to your questions with a smile on his face, but not showing his teeth as he was missing one front teeth then.
He used to live and do hard work in the many places of Pampanga and Manila. Jonas was once a fish vendor, a cook, and a construction worker. He had two little kids to support.
Jonas used to be one of the ‘thugs’ in the community. One could never imagine how he changed so much after he discovered the revolution in the country.
From being a bane to the family, everybody witnessed, especially his sisters, how he turned to be a hero of the oppressed.
In the urban poor communities, one mother told me a story of a day when they had nothing when one of their kids got sick. The kid badly needed to take some medicine. When Jonas found out, he immediately went to the jeepney terminals where he organized drivers under Piston. He requested for “patak-patak” (small contributions) and he went back to the family with a plastic bag full of medicine and food.
He was a father and a brother for many. That was why he was overwhelmingly loved by almost everyone who knew him. He actually seemed like a celebrity, as others really looked up to him. In every community where he used to stay, people would always recall numerous moments with him, telling vivid stories of how they really treasured someone who taught them how to fight for their rights.
I also remembered Jonas as one of the best people to crack jokes with award-winning punch lines. He was a stress reliever amidst insurmountable pressures. And he has the longest thread of patience.
It was a very long time when I last saw him. There were only his handwritten letters that he regularly sent us that filled us with his presence, signed by Ka Lean, a medic in the people’s army, his moniker.
He once told me that he dreamt of a better society for his children. And sure enough, he contributed hugely to make his dreams come true.
When I heard his name, he was in front of a crowd, his face revealed shyness. Robin was about to deliver a speech. And he did very well.
He was really a good-looking lad. But more than appearance, he was earnest, humble, a very young Kapampangan artist who speaks well of bravery and altruism.
I saw him in various activities. But he never approached me first and despite giving speeches, he was not very outspoken. But later, I found out that he told others that he knew me and that he admired me for being “workaholic” during one of our gatherings.
One day, he sent us a handwritten letter. I will never forget that one piece of paper where he warmly narrated his experience as a red fighter. I read the honesty of every word written. But too bad, I would no longer be able to send a reply.
At a very young age, Emmanuel used to be the father and brother to his little siblings. He was a “sakada” (skilled laborer) in the outskirts of Tarlac, toiling so hard to make his family’s ends meet.
He grew up in Brgy. Sta. Rita, Capas, Tarlac, where 48 years ago the New People’s Army was established. In his home province, he grew up witnessing how the toiling masses were killed, harassed, and incarcerated only because they struggle for their rights.
Recently, I saw videos of him directing a cultural performance. He was a very talented man. He wrote revolutionary songs and he sang very well. And the whole world should see how good and great he was, just like how the peasants saw them.
Robin. He was the namesake of a young superhero. And in the real world, he was.
The revolution to which the youth offered their lives is a revolution built from the wealthy theory and practice drawn by the blood of the heroes before them.
Instead of recalling the pictures of their cadavers, let me tell you the stories of how good they lived. There was so much more to tell the world about Guillier, Vic, and Emmanuel.
Guillier, Vic, and Emmanuel – selfless youth who offered their time, strength, and intellect to serve the landless and oppressed. In the countryside, their names are forever etched in the mountains as the young martyrs: Ka Christian, Ka Jonas/Lean, and Ka Robin/Abe.
They did not choose to adorn their names with tiles or engrave them upon some desk, door or plaque, that would speak volumes of their academic or professional stature. Instead, they chose to change the world (and their world) and be enshrined upon the hearts of those who continue to believe and work for genuine social change.
I first heard their names as Guillier, Vic, and Emmanuel, names I will forever honor.

(Originally published in: https://manilatoday.net/noble-names/)

Paalam, Tang Greg!

Maligalig ang nilisan mong mundo, Tatang Greg.
May sakit na kumakalat sa buong bansa. At sa gitna ng pandemya, mas sumasahol din ang sakit ng lipunan – ang tunggalian ng mga uri, ang malawak na agwat sa pagitan ng naghahari at anakpawis – at naghihingalo na, nasa rurok, kailangan na nga nating magpa-anak ng panibagong sistemang panlipunan.
Hindi na namin alam kung ano ang magiging bukas. Ang tiyak ko ngayon, lumilinaw sa mga mamamayan ang kawastuhan kung bakit kailangan baguhin ang sistema – na ang kailangan natin lalo na sa mga panahon ngayon ay isang gobyernong nagsusulong ng panlipunang hustisya, nagsisilbi dapat sa uring anakpawis, at hindi lamang gobyerno ng mayayaman at dayuhan.
Ito ang nilisan mong mundo, Tang Greg. Sistematikong pinapatay at namamatay ang mga masa. Mundong puno ng pagtatakip sa katotohanan at pagbubusal sa mga nagsasabi ng katotohanan. Ito ang mundong naiwan at iniiralan namin, at sana’y hindi na manahin pa ng susunod henerasyon.
Pumanaw ka ngayong araw sa gitna ng matinding pihit ng sitwasyon. At sa mga oras na ito, hindi pa natin tiyak kung biktima ka ba ng COVID-19. Nakakalungkot at hindi ka namin maaaring puntahan sa iyong burol. Nakakalungkot at ngayong araw mismo, ililibing ka na.
Pakatandaan mo sanang nakatatak ka sa pahina ng ating kasaysayan. Higit kalahati ng buhay mo ay nag-ambag ka sa pagpanday para sa isang mas maayos na bukas.
Pinakamataas na pagpupugay, Tang Greg. Habang buhay ka naming dadakilaan!




D.

Pinakamagandang tanawin,
ang makita kang naglalakad
sa pilapil, pawisang bumabagtas
patungo sa tataniman nating pitak,

ang makita kang nagbubunot
ng punla ng palay, kasama ng mga
kabataang magsasakang minulat mo -
kung paano lumaban,

ang mabilis ngunit maingat mong
pagtatanim, tantyado ang pagitan
ng bawat mga punla, mistulang
kung paano ka magmaniobra't kumilos -
kalkulado ang bawat pagsalakay,

ang katawan ay hapo, ngunit
payak pa rin ang nasisilayang ngiti,
ang putikang paa at kamay
ay babanlawan nalang sa irigasyon,
at tsaka ka ihahatid ng aking

mga titig, patungo doon sa kabilang kubol,
paniguradong kakamustahin mo
si tatay at makikipagkape sa kanya,
makikipagkulitan at kakargahin
ang kanyang makulit na babaeng apo.

Pinakamagandang tanawin,
na masaksihan ang 'yong
payak na pamumuhay,

ang buong-pusong pagyakap
sa piniling mapangahas na larangan,
dito sa lupaing pinalaya.


(Orihinal na ipinaskil sa FB: September 30, 2016)

Sa mga Pansamantala


Mga estranghero tayong
naligaw sa paghahanap,
sa ating mga sarili
at natagpuan ang isa’t isa,
sa gitna ng masalimuot
nating pagkawala.
Naluluma ang mga bagay,
ngunit hindi ang mga alaala,
ang damdamin – hindi ito
naluluma, o naglalaho.
Marahil, natututunan lang
ng puso ang magpatawad,
o mag-antay, o tumanggap
ng mga pagkabigo’t pagkatalo.
Ikatutuwa mo ba kung
hindi ako magpapatawa,
at sasabihin kong, siguro
mahal pa nga kita – pero
hindi na sapat-sapat na
pagmamahal?
Hindi na buo para muling
tumanggap, sa mga matagal nang
lumisan, at muling nagbabalik,
o lagi lang sigurong nariyan?
Mga estranghero tayong,
bagahe ang mga kalungkutan,
at binitbit, pinagaan, sinalo
ang isa’t isa, hanggang sa
mahanap muli ang daan
pabalik, sa tunay na iniibig.
May saglit na galak, sa
pansamantalang mga pagka-antala.
Sa mga pansamantala,
may walang hanggan,
kahit na panandalian. 

(Orihinal na na-publish sa Liwayway Magazine, April 29, 2019)

Pagpapaalam


Dahil mahal,
hinahatid akong muli,
ng lumbay ng 'yong
paboritong kanta,
doon sa partikular na senaryo
ng panandalian kong
pagkawala.
Nakatayo akong mag-isa
sa tabi ng kalsada,
mag-aabang sana ng bus,
pero inantay kita ng
5 minuto,
10 minuto pa,
30 minuto nalang talaga,
hanggang sa umabot
ang higit dalawang oras
na pagka-antala.
Bakit ba kasi may mga
umaalis, na walang ibang
pamamaalam,
kundi katahimikan. 

(Para kay M. Orihinal na ipinaskil sa FB: April 25, 2017)




Convenience Store

Magsasara na,
ang paborito nating
tambayan,
sa mga sandaling pagal
tayo sa maghapong
mga lakad.
Walang grandiyoso
sa convenient store na iyon.
Sadyang sapat lang,
ang upuang kahoy sa gilid,
ang dilaw na ilaw,
mga tanim na nagpapakalma
sa damdamin, tuwing
malalalim na ang usapan
sa bawat gabi.
Ayokong burahin
ang mga alaala ng bawat
pagbili doon, tanda mo pa ba
ang huli mong nilibre sa akin?
Strepsils at gamot.
dahil mayroon ako noong
sakit, na ubo at lagnat.
Pero pagkatapos mismo
ng gabing iyon,
alam mo bang
hindi pa rin ako
gumagaling?
May sakit pa rin.
(Para kay R. Orihinal na ipinaskil sa FB: May 26, 2019)